01 February 2008

RJ Manzano (Jan. 6, 1989 - Jan. 31, 2008)


Dearest RJ,


Kelan ba kita huling nakita? Nung Christmas party pa ng Ahead diba? Hoy! May utang ka pa sa’king movie kasi inindian mo ako sa Transformers. I guess we won’t get to do that now.


You’ve always been the sensible one, even though I am older than you by four years. You listen to me, you make me feel really good about myself. You make me laugh whenever I felt that the world is playing a cruel joke on me. Yun lang madalas wala ka kasing load.


Marami din naman akong natutunan sa’yo sa loob ng ilang buwan nga yun? Sampu. Nahawa na ako dyan sa kaaapir mo sa Multiply. I’ve always been fascinated by how good you put words together in your blogs, such talent for your age. Akala ko nga kanina may bagong entry ka na naman, kaya pala flooded na yung message box mo. I never would have thought.



Sayang sana nakapag-Boracay tayo kung natuloy yung kalokohan mong akyatin yung twenty-one story building ng La Salle. Sayang naman at driny-run mo pa hindi ka naman pala makakasali. Libreng bakasyon din yun noh!


Hindi na rin kita matutulungan na i-widen ang Tagalog vocabulary mo. Ang tukneneng ay hindi isda, tilapia yung nasa isip mo at ang puto bumbong ay yung kulay violet na malagkit na ibinebenta sa labas ng simbahan tuwing Pasko. Well, I guess you would not be needing it now.


Ano nga ba yung huli kong text sa’yo? Ah nung nagpunta ako malapit sa La Salle kaso busy ka (as always) kaya hindi tayo nagkita. Sayang…sana nakita man lang kita.


Salamat sa lahat ng Halls na naibigay mo sa tuwing pinabibili kita…


Salamat sa pakikinig…


Thank you for sharing yourself to me and to all of your friends…


Sorry if this one’s incoherent, I just have to absorb the fact that we’ve, that I’ve, lost you today due to aneurism. I’m trying my very best not to cry RJ…I really am but it’s just so hard. Humagulhol pa ako dito sa office, nakakahiya. So malamang pinagtatawanan mo na ako diyan sa taas. You’ve lived nineteen fruitful years and now you are living eternally up there. Hindi na pala tayo makakapag-contest ng headshots.


We’ll see each other again RJ. I’ll always remember you, you’ll forever have a special space in my heart and your presence will always be etched in my memory.


Muwahugs. Chill. Smile.


Renan Joseph C. Manzano

January 6, 1989 - January 31, 2008


Free Signature Generator
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
There was an error in this gadget