28 January 2009

Schizo: Anxiety Attack

I've probably erased five lines already before I got to start this entry. I know that I wanted to write to calm my nerves but because my brain is currently a smorgasbord of thoughts, rants and angst I just don't know the first sentence to type.

In the end I've decided to write the best way I know how...

*****

Naranasan niyo na bang kausapin ang sarili niyo? Sa totoo lang...sino bang hindi? Bibigyan ko kayo ng scenarios at for sure isa diyan eh nagawa niyo na:

a. Kapag nag-mememorize ako ng mga bagay tulad ng parts of the eukaryotic cell o di kaya naman yung sangkaterbang mga kapatid ni Jose Rizal, paulit-ulit kong binabanggit sa sarili ko kasi may memory gap talaga ako. Yung kahit naliligo ka na o kaya bago matulog bago ka magdasal, nag-chachant kang parang mangkukulam. Reason kung bakit nung nag-board exam ako a binilhan ako ng nanay ko ng isang boteng gingko biloba.

b. Nung bata pa ako at aliw na aliw ako kay Judy Ann Santos nung siya pa si Ula ang Batang Gubat, nagpapanggap ako na ako si Ula na bumibitin-bitin sa baging sa kakahuyan. Tapos titingnan ko sa salamin yung sarili ko kung tama ba naman ang facial expresions ko. Tapos ang malupit dyan, ako na ang bida; ako pa rin ang kontrabida. Versatile ako eh bakit ba?

c. Dahil sa napakalinis ko sa gamit, sa tuwing may natatabunang bagay-bagay sa kwarto ko at hindi ko na talaga maisip kung saan ko siya naipatong, tinatanong ko sa sarili ko. Parang tanga noh? Eh hindi ko na nga maalala, sinabi ko lang out loud.

So I guess you would say yes to either of these. Except na lang siguro doon sa Ula part, about 2% lang ata ng population ang aamin dyan. Pasensya naman. Secret fan talaga ako ni Judy Ann.

I don't know the logic behind it. It's either I really get that much needed confidence boost from talking to myself or nakasanayan ko na kasi siyang gawin. Or may saltik talaga ako, in denial lang.

Sa tuwing ninenerbyos ako o pakiramdam ko hindi ko kaya, sinasabi ko lang ng paulit-ulit sa sarili ko na "Kaya mo yan. You are smart. You are witty." at lahat pa ng pambobola para bumilog pa lalo ulo ko. Kaya siguro ang laki ng pisngi ko kabibilog.

Pero mas madalas na kinakausap ko ang sarili ko para i-convince sa mga bagay na dapat kong gawin. Most of us tend to act on impulse then regret it afterwards. Parang pagkain lang yan ng chocolate cake tapos ma-gui-guilty ka after sa kung gaano siya ka-sinful. I must say I am but a statistic to that majority. Minsan hindi na talaga ako nag-iisip kaya kailangan ko yung extra time na kinukumbinsi ko yung sarili ko sa kung ano ang mas makakabuti sa'kin.

Sa mga pagkakataong kulang pa ang monologue ko at nagpatalo naman ako sa gusto ko, may conversation na naman si sane Joanna kay stubborn Joanna. Tipong...

"Waah!!! Bakit mo ginawa yun akala ko ba galit ka?"
"Ano ba talaga gusto mo mangyari?"
"Di ba tapos na dapat?"
"Isipin mo na lang yung pinagdaanan mo. Ang layo mo na eh..."

The list could go on pero para matauhan ako ng matindi...
"Chihuahua. Chihuahua. Chihuahua."

Kung bakit eh akin na lang yun.

Ironic though, that we tend to realize the mistakes that we have committed and yet we continue to engage ourselves in things that we know would hurt us more in the end. Lahat siguro tayo may innate na pagka-masokista.

I heard this from the Morning Rush yesterday that "Hindrances are present to know if we are willing to fight for the things that we want." Paano kung sadyang opposite poles ang "gusto" at ang "tama"? Sa totoo lang, challenging na hindi maging bitter. Darating yung panahon na ang definition ng ampalaya sa dictionary ay may kasama ng picture mo. Isama na rin natin sa comparison ang okra, talong, sambong at lahat pa ng gulay na makakanta sa Bahay Kubo. Mabigat siya sa loob, pero ayoko rin na magpaka-plastic.

Ngayon medyo discreet na ako, sa planner na lang ako nagsusulat ng thoughts, hindi ko na vino-voice out at baka hindi na ako ma-regular sa trabaho at isipin nilang may sayad talaga ako. Tulad kanina may naisulat kong "UMAYOS KA NGA!" In purple ink pa yan for emphasis sake. Buti na nga rin lang at may nakaimbento ng blog. Isa siyang pantas!

Pero naisip ko lang ha...kung may gusto ka talagang mangyari bakit hindi mo i-hypnotize ang sarili mo. Ulit-ulitin mo, mga one hundred times a night, yung gusto mong mangyari para ma-psychologize mo ang sarili mo at maniwala ka ng lubos.

Sabayan mo na rin ng pendulum na susundan ng tingin mula kanan pa-kaliwa.
Free Signature Generator

15 January 2009

Ang Anatomy ng Panunulot

Bata pa lang ako alam ko nang hindi maganda ang manguha at mang-angkin ng mga bagay na hindi naman sa’yo. Una, pinalaki naman ako ng maayos ng mga magulang ko at pangalawa hindi naman ako umabot pa sa pagkakataong mamamatay ako sa inggit at naglaway ako ng sobra-sobra para mag-nenok ako. Arbor oo, pero nakaw?

Pero minsan kapag bumababa ang EQ ko, naiisip ko kung kaya ko bang mang-agaw…ng tao.

Heto lang naman ang philosophy behind that: Walang mang-aagaw kung walang magpapa-agaw. Simpleng-simple lang naman diba? Meron pa palang isang supporting statement dyan: You cannot wreck a wall with no cracks.
Tinanong ko ang isang kaibigan kung sa tingin niya ay kaya ko. Hindi kung kaya kong gawin ang act ng pang-aagaw kundi kung yung subject ba na aagawin ay kayang maagaw. Syempre kapag oo ang sagot sa pangalawa, oo na rin yung sagot sa una.

AT OO, ALAM KO SA SARILI KO NA ANG SUBJECT AY WILLING.

Noon, nung ang tanging exposure ko sa pang-aagaw ay sa teleserye, pelikula o di kaya naman mga kwentong kaibigan, rurok ang galit ko sa mga “other woman”, kabit, querida, ahas at kung ano pang gustong itawag ng lipunan sa mga nagkamaling ma-involve sa mga taong involved. Kumbaga, laging third person, dakilang miron sa istorya ng buhay ng ibang tao. Yun malamang ang dahilan kung bakit prejudiced ako at hindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga nakakasikmura na makihati at ang iba pa dito over-willing sa hatian. Totoo nga ang sabi nilang mahirap talaga magsalita kapag hindi ikaw ang nasa sitwasyon.

Ngayon saan natin i-dra-drawing ang linya sa gitna ng “fighting for what you want” at “panunulot”? Hindi ba’t ang nauna ay isang masasabing twisted justification ng pangalawa? O kaya naman hindi ba pwedeng tingnan natin na sa anggulo na ang nag-iwan ay nakakita ng mas nakahihigit sa kung anong meron siya ngayon?

Himay-himayin natin ang ganitong sitwasyon.

POV 1: Ang object of affection
Ang haba naman ng hair mo at pinag-aagawan ka. Siya ang overall winner ng sitwasyong ito dahil sa kahit saang kalye man niya maisipan lumiko eh meron siyang destinasyon. Ano nga ba siya?

Nalito? Isa pa sa mga hindi ko pinaniniwalaan dati ay ang kakayahan ng tao na magmahal ng sabay. Posible, pero laging pakatandaan na kahit kailan ay hindi mangyayari na pantay ang nararamdaman niya. Sa dalawa meron laging lamang o higit kaysa isa.

O sadya nga bang selfish lang siya at hindi niya nagawang mamili at one point at ng sa gayon eh hindi na umabot sa ganitong sitwasyon? Kung walang pagkakataon para magningas ang apoy, hindi magkakaroon ng sunog.

POV 2: Ang legal
Isa lang ito sa dalawa:

1. Sadyang tanga siya na hindi pa niya nakikita na pinependeho na siya ng boyfriend, girlfriend o asawa niya.

2. May mga pagkukulang siya o sadyang may mga panahong hindi na matiis ng ka-relasyon niya ang ugali niya kaya nang ma-realize nito na posible pala ang may girlfriend na hindi ka kinakadena, ayun nagtatakbo sa playground.

POV 3: Ang third party
Kung tutuusin, stereotypical na talaga ngayon na kapag may mga ganitong eksena ay lahat na lang ng sisi ay ibabaling sa kanya at kulang na lang ay ipagdasal na sana kidlatan ang nilalang na ganito.

Kaya ko nagustuhan ang A Love Story ni Aga Muhlach at Maricel Soriano kasi namulat ako sa other side of the story. Oo, mali talaga pero mas naintindihan ko.

Naintindihan ko na posible rin palang nahihirapan at namamatay ng paulit-ulit ang third party sa simpleng rason na wala siyang karapatang masaktan at mag-inarte dahil una sa lahat, alam naman niya dapat na saan ba pupunta at yun lang talaga ang kahihinatnan ng kahibangan niya. At ano nga naman ang karapatan niyang mag-inarte kung wala naman siya dapat sa picture.

What I'm trying to say is that this kind of situation calls for contribution of all the parties concerned. Sabi ni Bob Ong: Kapag nagmahal ka ng dalawa, piliin mo yung pangalawa kasi hindi mo siya mamahalin kung minahal mo talaga ang una.Biktima nga ba talaga silang lahat ng sitwasyon?

At the end of the day, it would still boil down to one thing: The end does not justify the means.

Naniniwala ako sa karma. Kung may mga tao mang nanakit sa’kin, hinahayaan ko na lang na ang karma ang bumawi sa kanila ng bonggang-bongga. Ang malupit pa kasi dyan, swerte ka na kung doble lang syang babalik sa’yo kaso kadalasan hindi ganoon yun. Tried and tested ko na ang powers nito.

Isa pa, hindi rin maganda na nagsimula ka ng isang relasyon sa maling paraan. Knowing me na kung kainin ng konsensya eh kasama pati ang cuticles ng kuko, malamang sa malamang eh hindi na talaga ako makatulog ng maayos. Araw-araw rin akong mabubuhay sa kapraningan na paano kung may kumakalantari rin sa kinalantari ko? Ika nga nila: Takot ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw.

Mabuti akong tao, pinalaki akong may breeding. Hindi ko kailangang ipagpilitan ang sarili ko sa taong hindi naman ako na-aappreciate. Hindi ako squatter na nagbabakod ng lupang hindi naman sa kanya. Hindi ba nga’t sinabi ko nang mas pipiliin ko maging tama kesa maging masaya?

Panahon na para itaas ang EQ level.

Free Signature Generator

08 January 2009

The Haircut



Thank you to Alex Carbonell of Propaganda (yeah the same salon being promoted over and over again by celebrities) for my hair. You are the man!

By the way, Alex trains all the stylists of Bench Fix, so never mind that I spent a fortune on my cut. I knew that I was in safe scissorhands.

*Sorry naman kung haggard yung pic. At sorry na rin na magulo ang paligid. Hehehe.
Free Signature Generator

04 January 2009

Holidays!

Look what I found in Tagaytay:



Gerbera daisies! As I've written previously, I love daisies more than the conventional roses. Too bad that in my attempt to lengthen the standing power of the stems, I broke the stem of the red one and it died this morning. They were selling it for 20 pesos a piece on the road.

Happy day for me

*****
This vacation turned out to be a very hectic one as I have attended four Christmas parties...











a grade-school reunion...


bridal shower...


wedding...


flew to Cebu...



attended a new year's party..



headed to Tagaytay...



and later tonight I'll have dinner with my girlfriends and reunite with the Pisay peeps. I was practically out everyday...but hey I' not complaining.

01 January 2009

Start the Year Right

It was quite an unconventional New Year's eve. For the first time uh...since birth it was drizzling, making me and my friends somehow unappreciative of the fireworks. Gawd it was foggy in Quezon City. They say that raindrops mean blessings, well it also made the mood gloomy.

Apart from the usual New Year's party with my neighbors, I welcomed the year with realizations. I know starting the year with angst is probably not the best way to do so but it was the best buffer to set me on that road to healing. Talking with my childhood friends (namedropping now: Angelo, Ron and Diane) made me realize lots of things. Well, they are the people whom I've been with since I  discovered that patintero was a lot of fun so they probably know me best.

From the moment I spoke my mouth and narrated what happened during that neighborhood Christmas party on the 27th, Angelo immediately blocked me with "Crap yan!" When I talked to Diane last Christmas she told me to shut my system off to that person. Ronald said that he was a cheating liar.

Maybe he was. Okay he was.

Eyes wide open now, I tried to analyze the time span and if the pieces of the puzzle fit together. It did not.

Now if you truly did like me, how come you did not take the risk and left her? It was either of these: 1) you wanted to be sure with me first because you do not want to be left with neither or; 2) you were thinking that even though I was aware of your situation I was allowing you to give me that much attention, so yeah why leave either when you can have both? I think it was the latter. I practically allowed you to have your cake and eat it too.

Or maybe you just told me all of the things that you think would be pleasing to my ear? I was too gullible that I wanted to kick myself for it. I shouldn't have bought all the crap that you fed me. As Ron said, "Manloloko yan."

I've just involved myself with a jerk who does not possess a backbone.

If hating you would get me to move forward, then so be it.

I have wasted too much of my time already and I have far more better things to do. So please get out of my system already or I swear to God you won't like what I am capable of doing.



*****
Anyway in spite of all the crap that 2008 has brought me, which made my views jaded about a lot of things, I am still looking forward to what 2009 has in store for me. Cut the losses, this is a fresh start and a clean slate for new beginnings. I would just have to be thankful for the people who do love me.


I love my friends dearly. Happy New Year Everyone!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
There was an error in this gadget